MRT Adventures 2

May mga nakalimutan akong isama sa unang MRT adventures kaya merong part 2.  Sabagay, sa dami ng mga nakakatawa, nakakainis, at nakakamangha sa MRT, pwede sigurong umabot sa 100 parts ang blogs ng MRT Adventures.

Sa kabila ng kasikipan ng tren, kayang kaya ng ibang kababaihan na mag make up sa loob.  Kaya ko rin namang mag lipstick ng walang salamin at minsan ay kaya ko ring mag blush-on maski nasa loob ng umaandar na sasakyan.  Pero ang ibang girls ay kayang mag foundation at mag concealer habang nasa MRT.  Kayang kaya rin nilang mag eyeliner sa kabila ng alog ng choochoo train.  Kalain mo, eyeliner!  Ako nga ang takot para sa kanila, baka bigla na lang silang mabulag.  Baka ikamatay pa nila ang paga eyeliner eh di sila na sana ang nasirang (ilagay ang pangalan dito).

Pagtapos makapag full make up ay nilalabas na nila ang kanilang mataas na shoes kasi kung ating mapapasin, naka tsinelas pala sila.  Yamang naka stockings na sila, one big fight na.

Masaklap pag punong puno ang tren at hindi makalabas ang mga babaeng napasiksik sa gitna.  Habang pahinto pa lang ang tren ay nage “excuse me” na silang palabas.  Tapos lumalakas ang kanilang “excuse mee” at “excuse meeeh” dahil sa kasikipan.   Pag nag teeeeet na ang pinto at nakailaw na ang dilaw sa door ay nawawalan na ng poise ang mga girls.  Sumisigaw na sila at nambabalya habang nagsasabi ng “EXCUUSEEE MEEEE!!!”  Pakiingatan na lang ang inyong buhok kasi may kakilala ako na sa hair nya kumapit yung isang muntik nang mapagsarhan ng tren.

Sa ngayon ay hindi na ito ganong ginagawa pero dati ang isang misteryo sa akin ay kung bakit sa bawat istasyon ay standard naman ang voice over o ang ina anunsyo ng driver, “approaching Ayala station, o approaching Buendia station, please take care of your belongings and watch out for the gap between the train and the station” pero pagdating sa Cubao ay ito ang madalas na sabihin, “approaching Cubao station, please take care of your belongings and watch out for the gap between the train and the station.  Mag-ingat na rin po sa mga mandurukot.  Cubao station, Cubao station.”

Hanggang sa part 3.

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s